Nakakamiss mag-post ng sweet moments namin ni Paolo. Ngayon kase iba na e, parang wala na yung mga ganung eksena. Iba na, sobra. Netong mga nakaraang linggo lagi kaming di nagkakaintindihan, bihira na nga kami magkita e.
2 days kaming di nagkita. Nung nagkita kami ulet, parang ilang ako sa kanya, ewan ko kung bakit, siguro kase hindi ako sanay na hindi kami nagkikita ng ganun katagal. Ayos naman kami nung mga panahon na yun tapos biglang naging seryoso yung usapan namin, napag-usapan namin yung tungkol sa relasyon namin.
Ang punto ng usapan ay yung lagi naming pagkikita. Nagsasawa na siguro sya? Kelangan nya ng time para sa sarili nya. Kelangan nya muna mag-isa? Kelangan nya ng oras para sa mga kaibigan nya. May mga gusto syang gawin na hindi ako yung gusto nyang makasama.
Demanding ako sa oras ni Paolo, yun yung mali ko, gusto ko ako lagi, sakin lahat. Mali yun e, pero dun ako masaya na lagi kaming magkasama. Pero natanong ko na ba sya ulet kung masaya pa din ba sya sa ganung set up.
Sa pag-uusap namin nilabas ko lahat ng sama ng loob ko, lahat ng nararamdaman ko, lahat lahat. Ganun din sya, sinabi nya lahat, naiyak ako sa sinabi nya na may gusto syang mangyari, get nyo ko? Gusto nya ng space. Ayun yung masakit sa part ko. Sobra. Feeling ko nung mga time na yan, di nya ko kelangan, na hindi nya na ko mahal. Na may iba na. Pero mali lahat ng yun. May gusto syang mangyari na dapat ma-realize naming dalawa habang wala kami sa isa’t-isa, na hindi kami magkasama.
Ako: Alam mo ba yung mga pwedeng mangyari pag ginawa natin yang gusto mo? Natatakot ako na magkaron ka ng iba habang hindi tayo, natatakot ako na baka magbago ang lahat, na wala ng maging tayo..
Paolo: Pwedeng hindi mangyari yang mga iniisip mo. Susubukan ko na walang ganyang mangyayari. Babalik ako sayo. Babalik ako. Babalik ako babe, dahil alam ko, sa huli tayo pa din..
Umiyak na ko after nyang sabihin yan. Ang saap sa pandinig nung huli nyang sinabi pero walang kasiguraduhan yun e. Lahat pwedeng magbago.
Pag tapos ng usapan na yan..
Paolo: Tigil na muna natin ‘tong usapan na ‘to. Nanghihina na ko.. Ayoko ng ganto..
Parehas kaming nahihirapan, parehas naming ayaw ‘to, pero bat ganto? Parang di na kami masaya?
</3
3 days akong walang boyfriend. Cool off. Charot! Nasa Laguna kase si Paolo, sumama sa camping nung mga tropa nya.
Ayoko talaga syang sumama dun kaso ayoko syang pigilan dahil alam kong gusto nya talaga sumama at hindi din sya magpapapigil sakin, so okay pumunta ka. Sayang lang nga e, hindi gumana yung dilang demonyo ko, dilang anghel ang tawag sa mga taong nag-wiwish ng maganda tas natutupad at dilang demonyo naman ang tawag ko sakin kase pag nagsasabi ako ng hindi magagandang wish, nagkakatotoo. Wish ko na sana di sya makasama, sayang di natupad. Pero ays lang, masaya naman sya dun.
Kahapon sya umalis. Nung umaga pa lang nagtext na sya na pinayagan daw sya nung Sir na sumama, edi okay. Tinanong ko kung masusundo nya ba ko sa hapon, nagtext sya na tatry na daw kase 5pm daw dapat nasa Gil Puyat na sya, e ang out ko sa OJT ko ay 5:30 so di na talaga aabot pero tatry nya daw na mag-abot kami, edi okay. 4:30 nagtext sya na sorry daw di na daw aabot yung pagkikita namin, sorry daw, edi okay.
Umuwi akong mag-isa. Kumain mag-isa. At ang ikinalulungkot ko, hindi ako nakapanuod ng Walang Hanggan at PBB :( sa kanila kase kami nanunuod nun, e wala sya, so wala akong papanuodan dahil walang channel 2 yung TV namin :((
Nagtext sya na kumain daw ako, baka daw di ako kumain kase wala daw sya sa tabi ko, wala akong gana. Bago ko matulog nagtext ako sa kanya na matutulog na ko, sabi ko magtext sya para makatulog na ko, pero wala, hanggang sa pag gising ko walang text :( Nakakapagtampo lang :((
Tinext ko sya kaninang tanghali about dun, sorry daw, bawi na lang daw sya pag uwi nya sa Monday, sorry na namaaaaaaan!
Bahala ka dyan, mamaya matutulog ako di din kita itetext!
Alam nyo ba na mas marami pang alam si Paolo na gawaing bahay kesa sakin?? Parang sya pa nga yung babae saming dalawa e. Mas malinis sya, mas responsable, mas masipag, mas marunong sa gawaing bahay, sya na yung mas may alam kung tutuusin :) Pero hindi ako nahihiya na ganyan ako katamad at kamangmang pagdating sa mga ganyang bagay :D
Sya ang nagsasaing pag kakain kaming dalawa. Hindi ako maunong magsaing tulad nung tinatantya yung sukat ng tubig, pero si Paolo marunong nun. Tinuruan nya ko kung pano at ngayon alam ko na, pero sya pa din yung nagsasaing ;)
Sya din ang nagluluto ng uulamin naming dalawa. Pag ako kasi ang nagluto panigurado palpak yan. Tulad na lang nung sa hotdog, nasunog ko pa :D Sorry naman :p
Anong ginagawa ko? Ako naman yung tagahugas ng pinagkainan namin. O ayan may ginagawa ako ha, baka sabihin nyo wala e 0:)
Hindi din ako marunong magbukas ng Shellane :D One time nga ako pinagbantay ni Paolo ng sinaing kase bibili sya ng Tang, kabang-kaba ako nun kase nga matutuyo na yung sinaing, baka kase masunog ko kase di ko alam hinaan yung kalan, ang alam ko lang patayin yun. E sa sobrang tense ko, pinihit ko na lang nang kung pano yung kalan, ayun namatay. Hindi ko na binuksan yung kalan kase nga di ako marunong, baka makasunog pa ko dun e, ang ginawa ko hinintay ko na lang si Paolo :)
At ang pinaka-sweet na ginawa ni Paolo para sakin ay yung pinlancha nya yung OJT uniform ko :> Hindi ko kase alam planchahin yung OJT uniform ko, iba yung tela e. Ang alam ko lang planchahin e panyo at mga t-shirt. Balik tayo sa pagplancha nya, nagdadabog na ko nung mga panahon na yan kase nga wala akong gagamitin kinabukasan. Alam nyo ginawa nya? Sabi nya kunin ko daw yung plancha at sya na yung magpaplancha! Nagulat ako kase hindi ko akalain na kaya nya magplancha ng ganon. Grabe lang, ikaw na be, ikaw naaaaa! :)))) Niyakap ko sya pag tapos nya planchahin yung uniforrm ko :’> ♥
Sabi nya pa nung minsan..
Para akong house husband neto :)
Alam nyo yung pakiramdam na pagod ka tapos hinatid ka nya tapos bago sya umuwi papatawanin ka pa? Ang sarap nun e :> Tulad neto..
Ako: Sige na uwi ka na. Ingat dyan ha. I love you :)
Paolo: Teka, wala ba kong naiwan dyan?
Ako: Wala naman, wala kang dalang phone saka wallet diba?
Paolo: May naiwan ako..
Ako: Ano?
Paolo: Puso ko :>
Ako: Hahahaha! Alis ka na nga! :D
Paolo: Hahahahahaha! I love you :>
Asa talagaaaaaaa! :)))))) ♥
Charot! After 1 week na hindi ako nakapag-computer dahil walang internet connection, nakapagTumbl at Facebook din sa wakas!
Madami sana kong ikukwento e, kaso nakalimutan ko na yung iba, ugh! Kwento ko na lang yung mga naaalala ko pa ha. Next post na us! :)
Ngayong week puro kabwisitan ang pinaramdam sakin ni Paolo. Totoo. Puos kabadtripan e. Pano sinimulan ng Lunes tapos sinunud-sunod na.
Monday, nagpunta kami ng school kasama mga kaibigan ko paa sa orientation ng OJT namin tapos ang plano namin ni Pao nun pupunta kami ng SM Manila after ng orientation. Nung nafi-feel ko na malapit na matapos yung orientation tinext ko na sya na maligo na at umalis na ng bahay, di nagrereply ang mokong, tapos nung nag-papaattendance na para uwian na nagtext si Paolo ng papunta na daw sya. Dafuq! Isang oras pa kong maghihintay nyan!!!!!!!! Laging late yan! Ang pinakasaglit nyang late ay 15 mins at ang pinakamatagal ay 2 hours!!!!!!! Naging okay naman ang araw na to kaso badtip talaga.
Tuesday, susunduin nya dapat ako sa Monumento after ng OJT ko. Tinext ko sya na out ko na. Gustung-gusto ko na umuwi dahil inaantok na ko saka pagod. Nung nasa LRT station na ko nagtext sya, wag daw muna ko sumakay ng tren dahil nagbabasketball pa daw sila, sorry daw, sabi ko pag 6:20 di pa tapos yan sasakay na ko ng tren! Nagtext sya, sa may babaan na daw ng jeep nya ko hihintayin sa may samin. Dafuq again! Naging okay din ang araw na to, kaso sobrang badtrip.
Wednesday, month annivesary :> nagtext sya na sa may babaan na lang daw nya na sa babaan na lang daw ng jeep nya ko susunduin, kaso nag-inarte ako so sa Monumento nya ko sinundo pero bv ako nung mga oras na yan, pero bumawi naman sya kaya.. good day ♥
Thursday, di nya na naman ako masusundo sa Monumento. Watdafuq!!!! Nakalimutan ko yung dahilan kumbakit di nya ko masusundo. Di ko sya pinapansin, mainit ulo ko, sabi nya ano daw ba nangyayari sakin, ano daw poblema ko, tinatanong mo paaaaaaaaaaaaa!!!!!!
Friday, nagtext ako sa kanya na out ko na pero babalik pa kami ng AdU para magpasa ng report. Tinanong ko sya na kung saan nya ko susunduin, sa Monumento daw, okay :) Tapos nung sinabi ko na pauwi na ko sabi nya sa may babaan na lang daw ng jeep nya ko susunduin kase magliligpit pa daw sya ng kinainan nila, syeeeeet paasaaaaaaaa!!!! Tapos nyan magtext daw ako pag malapit na ko paa makapunta na sya sa bababaan ko, then tinext ko sya, sabi naman nya, mukang di nya daw ako masusundo, dafuuuuuuuuuuuuqqqqqq!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tapos nakauwi na ko lahat-lahat, nakaligo, wala pa din sya, sabi di na daw sya makakapunta samin sorry daw at babawi na lang sya sa Sabado, ptngna! Di ako pumayag!!! Sabi ko “PAG 9:45 WALA KA PA DITO PUPUNTAHAN KITA DYAN AT MAGDODOORBELL AKO NG MAGDODOORBELL! TINGNAN NATIN KUNG DI KO GAWIN!! SUBUKAN MO KO!!!!!” 9:45 na wala pa sya so pumunta na ko, nung naglalakad na ko nakasalubong ko sya, natakot ang mokong >:D PANALO KOOOOOOOOOO WOOOOOOOOO!!! :)))) Panay sya sorry saka lambing, ugh! Tigilan mo ko galit pa ko. Di sya tumigil sa ginagawa nya kahit nasa kalsada kase pupunta kami Jollibee. Ang landi nya :D Pinatawa nya ko at natawa naman ako. Then..
Ako: *kapit sa kamay nya
Paolo: Yon kumapit din! Di na sya galit :>
Ako: Muka mo! Gawin mo ulit lahat ng ginawa mo ngayong week next week ha!!
Paolo: Hindi na, sorry. Promise yan :)
Dinaan nya sa lambing lahat ng kasalanan nya buong week e.
Pag tapos nyan, sweet-sweetan na :> ♥
Sinalubong na naman namin ni Paolo ang aming month anniversary :> After nyan uwi na sya tas text na ng greetings sa isa’t-isa. Nagtext sya na sa may kanto na lang daw nya ko susunduin, nabadtrip nga ko! Pero sa Monumento nya pa din ako sinundo :) Dumerecho muna kami samin para makapag-buhos ako ng katawan at para na din makapagpalit ng damit tapos konting harutan :) After nyan punta na kami sa Mang Inasal para sa aming date kuno :D habang papunta dun natagalan kami sa paglalakad pano puro harot at pisikalan kaming dalawa >:D Sa Mang Inasal may parang bakla na parang babae, sabi ko kay Pao bakla yun sabi nya di daw, babae daw, tas naniwala na ko na babae kase yung legs nya pang-babae saka walang adam’s apple. Pag tapos kumain, derecho na kami sa kanila para makanuod ng Walang Hanggan saka paa na din makapag-Temple Run :p Tapos nyan uwi na kami samin, dahil walang bike, nag-jeep kami saka tricycle, magastos masyado yun, asar lang. Habang naglalakad din pauwi puro harot pa din, pisikalan :D ayaw paawat e, haha! Sa bahay na kami nanuod ng PBB tapos nag-Tetris kami tapos nanuod ng mga artistang nag-daDougie saka yung mga nakakatawang eksena sa Showtime :))
‘To yung month anniversary na pinaka-simple, bakit? Bukod sa parang ordinaryong araw lang, puro tampo at away pa. Nagalit ako sa kanya kase sinidihan yung lighterr malapit sa buhok ko! Sa pagkakaalam ko nasunog yung konte tapos sabi nya malayo daw. E naamoy ko nga yung sunog na buhok e! Sinigawan ko talaga sya, galit na galit ako e. Tapos nagalit din sya, pinipilit nya na di daw nasunog, tas nag-sorry sya. Ako nanahimik na lang pero mayamaya nag-sorry na din ako :>
Kahit na simple lang ‘tong araw na ‘to, masaya naman :> ♥
Nung Sunday 12am pumunta kami ni Paolo sa Bayan para manuod ng Salubong. Ang ganda ng tema ngayong taon ng Salubong samin, Japanese theme. Alam nyo nagpaganda dun? Yung mga Japanese lantern pati yung fireworks.
Sobrang dami ng tao, nasa dulo kami ni Pao pati yung bunso kong kapatid saka yung pinsan ko. Hindi namin makita yung nagpeperform sa harap, so hinayaan na lang namin, Yung inabangan namin ni Paolo ay yung pagtatagpo ni Jesus pati ni Mary saka yung pag-alis ng belong itim kay Mary :)
Pag tapos ng pagsasalubong nila at pagtanggal ng belo, andaming fireworks :> Bigla kong naisip yung post ni Dein about sa fireworks nila ni Pao nya. Sabi ko sa isip ko..
Buti pa si Dein nakanuod na ng fireworks display kasama yung mahal nya. Ako kaya kelan? :/
Alam nyo ba na ang tanga ko?? Hindi ko naisip na nanunuod na pala ko ng fireworks display at kasama ko pa si Paolo! HAHAHAHAHAHA Nawala sa isip ko yun sa sobrang pag-iisip kung kelan namin magagawa ni Paolo yun :D Tangaaaaaa!
Nung bigla kong na-realize na kasama ko na pala yung mahal ko habang nanunuod, hinawakan ko kamay ni Paolo ngmahigpit :> ♥
Tagged as: paolo my love^^, hahahaha, bobo lang!, kasingsexyngotap,
Mahal kita araw-araw :>
Late post na to, nung Holy Week pa sana to e, kaso nasira computer so ngayon na lang ako magpopost. Okay lang ba?
Holy Week 2012, eto yung buong linggo, iisa lang ang ginagawa ko, pare-pareho at iisang tao lang ang kasama ko, at si Paolo yun. Buong week kaming magkasama. Ganto ang routine, gigising ako bago mag-12, kakain ng tanghalian, manunuod ng TV, maliligo ng 1:30, magcocomputer hanggang 2:30, mayamaya dadating na si Paolo para sunduin ako dahil pupunta na kami sa kanila para manuod, maglalaro ng Temple Run, manunuod, makikipaglaro sa mga pinsan nya, mga 5pm maliligo na sya, bago mag6pm mag-memeryenda na kami, manunuod ulit ng TV, maglalaro ng Temple Run, kakain ng hapunan, tapos uuwi lang ako pag gabi na, pag dating dito sa bahay mag-cocomputer na kami tapos uuwi sya mga 12am, tapos tulugan time na (REPEAT ‘TIL FADE) :D
Ganyan ang Holy Week namin ni Paolo ngayong 2012. Paulit-ulit lang yan. Yan yung mga gawain na kahit paulit-ulit e okay lang at hindi ko pagsasawaan kase sya naman yung kasama ko :> landeeeeee! :)) Pero seryoso yun ♥
Ang call time namin ni Paolo, 12noon, pero as usual late yan, ang inaasahan ko nga 2 pa sya dadating pero napaaga, before 1 nandito na sya, ayos :) Suot nya yung sapatos na regalo ko sa kanya :> Parehas kami ng damit, parehas black shorts namin, parehas kaming naka-rubber shoes at dala din namin yung bag namin :) bat pa kami may dalang bag? Wala lang, trip lang. Tinanong nga ng Tita ko kung san kami pupunta, sabi namin sa Cebu :D
Before 2 nandun na kami sa SM North. Bumili muna kami ticket ng Moron 5 and the crying lady. Laugh trip lang yung movie :D Bilang lang yung eksena na hindi ka tatawa :D Panuodin nyo, mawawala stress nyo :D HAHAHAHAHAHAHA1000000x :D
Bumili kami ng toothbrush, parehas kami kaso iba lang kulay :>
Pag tapos manuod pumunta kami Trinoma dahil hinahanap namin yung FMCC. Sa di inaasahang pangyayari, nakita at nakasalubong namin yung ex nya at yung ate ng ex nya. Nakakatawa reaksyon ni Paolo, naglalakad kami, tapos..
Paolo: *napigil ang hakbang OhmyGod!!
Ako: O bakit?? *tingin sa harap Si Shara!
Tapos yung ate ng ex nya tiningnan kami ni Paolo mula ulo hanggang paa tapos tinaasan ako ng kilay :D tiningnan ko lang sya tas nag-iba sya ng tingin, si ex naman e parang walang nakita, luminga-linga lang sya sa paligid :D Sabi nga ni Paolo dapat daw nginitian namin, sayang. Next time na lang.
After mangyari yan, di ako maka-move on, nainis lang ako kay Paolo, pano kase kada hahawak ako sa braso nya, simpleng tinatanggal dahil naiinitan sya, edi bahala sya! Tapos tumahimik na lang ako. Sya naman nagpapatawa para bumalik ulit mood ko. Kaso ayaw bumalik, pero pasalamat sya sa bata na walang panty na nasa SM, bumalik mood ko dahil dun :> ang cute e!
Dahil wala kaming mahanap na FMCC, nag-DQ na kami! :> Hindi ko naman naubos yung Snickers, sya din di nya naubos yung Shake nya na Double Cocoa Fudge. Sayang. Tapos may lumapit samin, nanghihingi ng donation, sabi ko kay Paolo bigyan ng 10, alam nyo ginawa? Binigay lahat ng barya nya 0:) Ikaw na bebe! :’>
Umuwi na kami after nyan. Sabit sya sa jeep tas panay pacute sakin, abnormal e :D Kumain kami ng isaw sa Monumento tapos pumunta sa Mall malapit samin kase magpapagupit na ko, new look na me ngayon ;) Semi-short hair na meeee :))
Pumunta muna kami sa kanila para manuod ng Till My Heartaches End. Kahit napanuod na namin ni Paolo yun, gusto pa din namin panuodin dahil nakaka-relate kami :) Tapos harutan time again and again and again pag commercial.
Kumain kami sa KFC tapos sinundo namin yung kapatid ko para manuod kami ng Salubong, at masaya din yung nangyari dun :> ♥
Next post please…. :)
Nanuod kami ni Paolo kanina ng Sa’yo Lamang. Naiiyak ako tas sya din alam ko naiiyak na din sya pero deny-deny pa sya! :D Pag commercial nililipat nya yung channel, lagi yang ganyan kaya minsan di ko nasisimulan yung next na scene. e badtrip na badtip pa naman ako pag ganon na hindi ko nasisimulan. Lalo pag Walang Hanggan, supe sisi ako sa kanya na kesyo nilipat nya kase, makasigaw lang ako, kala mo bahay ko e, bahay naman nila :D
Balik tayo sa nangyari kanina, para di nya malipat yung channel, tinago ko yung remote :D Nung una nilapag ko lang sa sahig tas medyo malayo sa kanya tas dinaganan ko sya para di sya makatayo sabay may kiliti paa manghina sya :D Tas nung pangalawa tinago ko sa sapatos nya :D Napakabulag nya, pano nasa tapat na nya di pa makita :D
Sobrang harot lang namin kanina. Nagkandagulong na kami sa sahig sa sobrang kaharutan :D Ang saya nung ganun e :> ♥
Kagabi kase habang nasa jeep na kami, huminto yung jeep na sinasakyan namin sa gasoline station para magpa-gas tapos nakita ko bigla yung board na bawal mag-cellphone pag nagpapagasolina, e yung babae sa likod namin nag-cecellphone. Tangina natakot ako! Tapos hinihintay ko may mangyari na pagsabog, wala naman.
Ako: Di naman pala totoo na sasabgo yung gasoline station pag may nag-cecellphone e.
Paolo: Baket?
Ako: Tingnan mo ‘tong babae sa likod natin.
At yun nga napatunayan ko na di naman pala sasabgo ang gasoline station pag may nag-cecellphone.
Tapos nung naglalakad na kami bigla kong naisip, pano kung sumabog nga yung gasoline station, tas namatay ako, tas si Pao lang nabuhay.
Ako: Pag namatay ako, lagi kitang babantayan.
Paolo: HAAAAAa???!!
Ako: Oo nga, sasamahan kita kahit saan.
Paolo: Kahit sa CR? Hahahahaha!
Ako: OO!! Hahahaha!
Ako: Sasamahan kita sa UE. Tatabihan kita sa pagtulog. Sasa..
Paolo: CHANGE TOPIC!
Ako: Bakit?
Paolo: Pangit yan. Lalo ngayong Semana Santa.
Ako: Okay :>
♥
Dahil wala kaming magawa ni Paolo kagabi pag tapos kumain ng ice cream, naglaro na lang kami sa Y8.com :>
Wala kaming mapanuod. Wala ng magawa sa Facebook dahil nakakasawa na mag-Tetris. Naglaro na lang kami ng iba, exciting pa ;)


Yan kami at busyng-busy :) Napapasigaw pa kaming dalawa pag nalalaglag tas ako pati katawan nadadala pag lilipat sa kanan tas tatalon :D

Eto naman yung nilalao naming dalawa. Ako yung kulay red sa left side tapos sya naman yung blue sa right side. Ano nga yung pangalan nung game, Fire boy and Water girl ata? :D Maya ulet lalaruin namin yan :> ♥
Kami yun ni Paolo kahapon e. Bakit? E kase pumunta kami sa kanila ng walang tsinelas :D Nung una badtrip na badtip ako kase di naman ako sanay na lumabas ng bahay na wala akong suot na tsinelas, pero nung sinabe ni Paolo na..
Ayos na yan. Para parehas tayo. Damayan mo ko :)
Nag-paa na din ako :>
Hindi naman kami masyadong nakakahiya kase naka-bike naman kami, kaya kei lang :> ♥
Sa hirap at ginhawa ang dating ng walang stepin edition namin :))